Performance Task only
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Go down
avatar
Daphne Isabelle A Teng
Posts : 2
Join date : 2023-11-13

Ang mitolohiyong naglalarawan sa pinagmulan ng lahing Pilipino na si Malakas at Maganda.  Empty Ang mitolohiyong naglalarawan sa pinagmulan ng lahing Pilipino na si Malakas at Maganda.

Mon Nov 13, 2023 4:46 pm
Sa mitolohiyang Pilipino, partikular sa mito ng paglikha, si Malakas at si Maganda ay ang pangunahing tauhan sa kuwentong-bayan ng mga Tagalog na kung saan sinasalaysay ang pagbuo ng mga pulo na tinatawag na ngayon bilang Pilipinas. Ayon sa istorya, nagsanib (o kinasal) ang hangin sa lupain at hangin sa kalangitan, at nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang kawayan (ang kanilang anak). Habang palutang-lutang ang kawayan sa tubig, napadpad ito sa pampang at tinamaan ang isang ibon, na galit na galit na tinuka ang kawayan na nabiyak. Pagkabiyak, lumabas sa isang bahagi ang isang lalaki at sa isa naman ay babae. Ang babae at lalaki ay ipinangalang sina Malakas at Maganda ng mga panitikang nagdokumento sa kuwentong-bayang ito.
Back to top
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum